Nauna nang ipinahayag ng Cebu Pacific na isang Airbus A330 na may maximum capacity na 436 na pasahero ang kanilang idedeploy para sa mga OFWs.
Magbibigay din sila ng libreng pagkain, baggage allowance at refreshments sa mga uuwing overseas workers.
Ang aksyong ito ay bahagi pa rin ng hiling ni Pangulong Duterte sa mga local airline companies na tumulong sa repatriation ng mga manggagawang Filipino sa naturang bansa.
Mahigit 1,000 OFWs na ang nakauwi sa Pilipinas mula Kuwait matapos ang deployment ban ng pamahalaan dahil sa mga ulat ng pang-aabuso sa mga manggagawa sa naturang bansa.