CebPac, mag-uuwi ng 430 OFWs mula Kuwait ngayong Miyerkules

By Rhommel Balasbas February 21, 2018 - 03:23 AM

Isang special flight ng Cebu Pacific lulan ang higit kumulang 430 overseas Filipino workers mula sa Kuwait ang nakatakdang dumating sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA) ngayong araw.

Nauna nang ipinahayag ng Cebu Pacific na isang Airbus A330 na may maximum capacity na 436 na pasahero ang kanilang idedeploy para sa mga OFWs.

Magbibigay din sila ng libreng pagkain, baggage allowance at refreshments sa mga uuwing overseas workers.

Ang aksyong ito ay bahagi pa rin ng hiling ni Pangulong Duterte sa mga local airline companies na tumulong sa repatriation ng mga manggagawang Filipino sa naturang bansa.

Mahigit 1,000 OFWs na ang nakauwi sa Pilipinas mula Kuwait matapos ang deployment ban ng pamahalaan dahil sa mga ulat ng pang-aabuso sa mga manggagawa sa naturang bansa.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.