7 miyembro ng NPA at 44 na supporters, sumuko sa militar sa Masbate
Sumuko sa mga militar ang pitong miyembro ng New People’s Army (NPA), sa mga militar sa bayan ng Milagros, Masbate.
Ayon kay Philippine Army 9th Infantry Division spokesman Col. Ferozaldo Paul Regencia, iprinisinta ang mga sumukong rebelde sa kanilang commander na si Maj. Gen. Jesus Manangquil Jr. sa seremonya sa kanilang punong tanggapan sa Barangay Bacolod.
Maliban sa pitong miyembro ng NPA, kasama nilang sumuko ang 24 na mass base supporters at 20 miyembro ng Militia ng Bayan.
Isinuko din nila ang dalawang M16 rifles, isang M1 Grand Rifle, tatlong caliber .38 na revolvers at isang caliber .45 na pistol.
Kinumpirma naman ni Manangquil na isasama nila ang mga nasabing sumukong rebelde at mga taga-suporta nila sa Comprehensive Local Integration Program, at mabibigyan din sila ng tulong pinansyal at pangkabuhayan.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.