Pito sugatan sa pagsabog ng bomba sa isang bus sa Cotabato

By Jan Escosio October 01, 2015 - 07:07 PM

polomolok-map
Inquirer file

Pitong pasahero ang malubhang sugatan makaraan ang pagsabog na naganap sa isang bus sa bayan ng Polomolok sa South Cotabato kaninang alas-dos ng hapon.

Nakasakay ang mga biktima sa Yellow Bus na may plakang MWB 296 at habang binabagtas ang kahabaan ng National Road ay biglang sumabog ang bomba na umano’y inilagay sa lalagyan ng mga bagahe.

Dahil sa naganap na pagsabog ay pansamantalang isinara ang bahaging iyon ng National Highway para tulungan madala sa mga pagamutan ang mga duguang biktima.

Hanggang sa ngayon ay nagpapatuloy ang ginagawang post-blast investigation ng mga forensic experts ng Philippine National Police.

Pinag-aaralan na rin ang mga kuha ng ilang CCTV sa mismong terminal ng Bus na posibleng makapagbigay ng lead sa kanilang ginagawang imbestigasyon.

Inaalam din ng mga otoridad kung may kinalaman ito sa naganap na pagsabog sa Isabela City sa Basilan na ikinamatay ng tatlo katao at ikinasugat ng maraming iba pa kasama na ang mismong Vice-Mayor ng lungsod.

TAGS: Explosion, Polomolok, South Coatabato, Explosion, Polomolok, South Coatabato

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.