AFP sasalang sa anti-terrorism training sa China

By Chona Yu February 20, 2018 - 07:24 PM

Inquirer file photo

Pinag-aaralan na ni Pangulong Rodrigo Duterte na ipadala sa China ang susunod na batch ng mga sundalo.

Ito ay para mag-training sa Chinese Academy kontra sa terorismo.

Ayon sa pangulo, kailangan na balansehin at hindi lamang sa U.S sasalang sa training ang mga sundalong Pinoy kundi maging sa China.

Agad namang nilinaw ng pangulo na hindi ang paglaban sa mga Amerikano ang pakay ng training ng mga sundalo kundi ang paglaban sa terorismo.

Matatandaang paulit-ulit na ipinagmamalaki ng pangulo na ang ibinigay na baril ng China sa Pilipinas ang nakapatay sa international terrorist na si Isnilon Hapilon na mariin namang kinontra ng ilang eksperto.

TAGS: AFP, anti-terroris, China, duterte, military training, AFP, anti-terroris, China, duterte, military training

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.