Crane bumagsak sa gitna ng C5 Road sa Taguig City

By Alvin Barcelona February 20, 2018 - 06:54 PM

Photo: Michael Gimena

Isinara sa mga motorista ngayong hapon ang North bound lane ng C5 Centennial Road sa Taguig City.

Ginawa ito ng Metro Manila Development Authority (MMDA) at Taguig City Traffice Bureau kasunod ng pagbagsak ng isang crane lampas ng C5 toll plaza kaninang 3:59 ng hapon.

Pinada-divert naman ng mga traffic enforcer ng MMDA ang mga motorista papasok ng Sales road patungong Lawton Avenue para maka-iwas sa matinding pagsisikip ng trapiko papasok sa C5 Road.

Wala namang nasaktan sa nasabing aberya base sa inisyal na ulat samantalang iniimbestigahan pa ng MMDA ang detalye ng pangyayari.

Ayon kay MMDA Spokesperson Celine Pialogo, sisikapin nilang ma-clear ang lugar sa lalong madaling panahon.

TAGS: C5, crane, mmda, Taguig City, C5, crane, mmda, Taguig City

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.