Malacañang naglunsad ng giyera kontra “fake news”

By Chona Yu February 20, 2018 - 02:46 PM

Dahil sa patuloy na pagkalat ng fake news, nagdeklara na ngayon ang Presidential Communications Operations Office (PCOO) ng giyera kontra sa mga pekeng balita, disinformation at misinformation.

Ayon kay PCOO Secretary Martin Andanar, hinimok na niya ang tinatayang 1,600 information officers ng mga ahensiya ng gobyerno sa kauna-unahang National Information Convention sa Davao city na makiisa sa giyere kontra fake news.

Hinikayat din ni Andanar ang mga information officers na bumaba sa grassroots level o sa mga mahihirap na lugar upang makontra ang mga nagpapakalat ng mga pekeng balita.

Binigyang diin ni Andanar na ang mga information officers ang pag-asa ng gobyerno na magpaparating sa taumbayan hanggang sa mga liblib na lugar na maiparating ang mga tamang impormasyon partikular sa mga serbisyo at repormang ginagawa ng Duterte administration.

Inihalimbawa ni Andanar ang fake news laban kay Special Assistant to the President Bong Go na inakusahang nakialam sa frigate deal ng Philippine Navy gayung matagal na itong naaprubahan sa ilalim pa lang ng Aquino administration.

Maliban sa mga information officers, hinimok din ni Andanar ang private media entities na makipagtulungan para masugpo ang fake news at disinformation.

Samantala, pinangunahan ni Andanar ang launching ng DU30 application na magpapalakas sa kampanya ng PCOO laban sa disinformation.

Ang nasabing mobile app aniya ay media platform na kayang ma-access ng sinuman para makita ang mga programa at aktibidad ng gobyerno bilang regalo aniya sa taumbayan.

TAGS: andanar, fake news, go, Malacañang, ranada, rappler, andanar, fake news, go, Malacañang, ranada, rappler

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.