Labingdalawang team na bubuuin ng 100 katao ang ipapakalat ng Department of Environment and Natural Resources (DENR) sa Boaracay.
Ayon kay DENR Sec. Roy Cimatu ang mga team na ipadadala sa Boracay ay bubuuin ng mga tauhan ng DENR mula sa kanilang tanggapan sa iba’t ibang rehiyon.
Pagdating sa Boracay, literal aniyang magbabahay-bahay at bibistahin ng mga tauhan ng DENR ang bawat gusali sa isla.
Ito ay para matukoy kung sino ang may sala at nasa likod ng polusyon sa tubig sa Boaracay.
“We are sending 12 teams in Boracay. They will be going house to house and building to building to find out who are the culprit in polluting the waters of Boracay,” sinabi ni Cimatu sa press conference sa 2nd Philippine environment Summit sa Cebu City.
Muli namang tiniyak ni Cimatu na ginagawa ng DENR ang lahat para maisalba pa ang Boracay.
Sa sandaling matukoy ang lahat ng responsable sa polusyon sa Boracay, ang Pollution Adjudication Board ng kagawaran ang magpapasya sa pagpapatupad ng closure at iba pang parusa sa mga may paglabag na establisyimento.