Labor groups nagbanta ng araw-araw na mass actions

Inquirer Photo | Julie Aurelio

Nagbanta ng araw-araw ng pagkilos ang iba’t ibang labor groups hangga’t hindi tinutupad ni Pangulong Rodrigo Duterte ang pangako niya noong panahon ng kampanya tungkol sa contractualization.

Ayon sa mga grupong Kilusang Mayo Uno (KMU) at grupong ‘Nagkaisa’, aaraw-arawin nila ang pangangalampag sa mga regional office ng Department of Labor and Employment (DOLE).

Anila, dalawang taon na ang nakalilipas mula nang bitiwan ni Pangulong Duterte ang campaign promise na wawakasan niya ang contractualization pero hanggang sa ngayon ay hindi pa rin ito natutupad.

Nakiisa din ang Catholic Bishops Conference of the Philippines (CBCP) sa panawagan ng mga manggagawa.

Sa isinagawang press conference sa CBCP, nanawagan ang labor groups kay Pangulong Duterte na wakasan na ang draft ng Executive Order laban sa contractualization bago mag-March 15.

Lumagda ang grupo maging si Fr. Erick Adoviso ng Ministry for Labor Concerns ng Archdiocese of Manila sa petisyon para ipanawagan kay Pangulong Duterte ang draft ng EO.

 

 

 

 

Read more...