DENR, nagpadala na ng mission team sa Boracay

By Cyrille Cupino February 20, 2018 - 11:51 AM

Nagpadala na ng mission team sa Boracay Island si Environment Secretary Roy Cimatu para tugunan ang problemang pangkalikasan sa isla.

Layunin ng mission team na i-rehabilitate at ibalik ang dating mala-paraiso na estado ng Boracay.

Hahatin sa anim na rehiyon ang Boracay island at bawat area ay tututukan ng may limampung personnel mula sa DENR.

Binigyan ni President Rodrigo Duterte ng anim na buwan na palugit ang DENR para hanapan ng solusyon ang tumitinding problema sa polusyon sa itinuturing na top tourist destination ng bansa.

Nauna nang nag isyu ang DENR ng notice of violation sa may 300 na business establishments na kinakitaan ng paglabag sa kanilang environmental compliance certificates (ECC), kabilang na ang hindi maayos na koneksyon sa sewage treatment plant at ang hindi paglalagay ng wastewater treatment facilities.

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

TAGS: boracay, DENR, mission team, boracay, DENR, mission team

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.