Rappler reporter Pia Rañada, binawalang pumasok sa Malakanyang

By Chona Yu February 20, 2018 - 11:31 AM

Inquirer Photo | Leila Salaverria

Pinagbawalan na makapasok sa Malakanyang ang reporter ng Rappler na si Pia Ra؜ñada.

Nang dumating si Rañada sa New Executive Building ng Malakanyang, tumanggi ang miyembro ng Presidential Security Group (PSG) na si Marc Anthony Cempron na siya ay papasukin.

Ayon kay Cempron, mayroong utos mula sa ‘itaas’ o sa kanilang ‘operations’ na hindi pwedeng pumasok si Rañada.

Kalaunan ay pinapasok din ng NEB si Rañada kung saan naroroon ang press working area.

Ito ay makaraang mabigyang-linaw ng PSG na sa mismong palasyo lamang bawal mag-cover si Rañada kung saan ginaganap ang mga event na dinadaluhan ni Pangulong Rodrigo Duterte.

Hindi naman masabi ng mga taga-PSG kung bakit bawal si Rañada sa Malakanyang at kung hanggang kailan tatagal ang kautusan.

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

TAGS: New Executive Building", Pia Rañada, Radyo Inquirer, rappler, New Executive Building", Pia Rañada, Radyo Inquirer, rappler

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.