Ethics case ng kamara vs De Lima, ibinasura ng senado

Inquirer File Photo

Ibinasura ng Senate committee on ethics ang ethics case na isinampa ng liderato ng kamara laban kay Senator Leila De Lima.

Kawalan ng hurisdiksyon ang dahilan ng komite sa pagbasura sa reklamo.

Unanimous ang naging botohan ng komite na pinamumunuan ni Majority Leader Vicente “Tito” Sotto III para sa pagbasura ng reklamong inihain ng kamara laban kay De Lima.

Sa mosyon ni Senate Minority Leader Franklin Drilon, sinabi nitong dapat mabasura ang reklamo dahil wala namang hurisdiksyon sa isyu ang senado.

Sinegundahan naman ito ni ni Senator Panfilo Lacson at sinabing walang nalabag na rules ng senado si De Lima kung ang pagbabatayan ay ang reklamo ng kamara.

Si De Lima ay inireklamo ng liderato ng kamara dahil sa pagpayo umano ng senadora sa dati niyang driver at boyfriend na si Ronnie Dayan na huwag sumipot sa imbestigasyon ng mababang kapulungan ng kongreso.

 

 

 

Read more...