MRT passengers na tumatangkilik sa P2P bus, dumarami
Kaysa maipit sa halos araw-araw na aberyang nararanasan sa biyahe ng Metro Rail Transit-3 (MRT-3) mas pinipili na ng mga pasahero na sumakay na lang ng P2P buses na itinatalaga sa North Avenue station tuwing rush hour.
Sa datos ng The Department of Transportation (DOTr) patuloy na dumarami ang mga pasaherong pinipili na sumakay ng bus kaysa sa MRT.
Simula nang umpisahan ang pagde-deploy ng P2P buses sa North Avenue station noong February 1 hanggang ngayong araw, February 20, umabot na sa 46,674 na pasahero ang naserbisyuhan ng proyekto.
Nakapagdeploy na ang 636 na mga bus o average na 61 bus bawat oras.
Ang serbisyo ay nagsisimula ng alas 6:00 umaga hanggang alas 9:00 ng umaga mula Lunes hanggang Biyernes.
Sa pamasahe na P15, ang P2P buses ay nagsasakay ng mga pasahero ng MRT na patungong Ortigas o Ayala.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.