Tatlo patay, vice-mayor sugatan sa pagsabog sa Basilan

By Jan Escosio October 01, 2015 - 05:11 PM

Isabela City
Inquirer Mindanao Bureau

Kinumpirma ni Police Regional Office (PRO) 9 Director CSupt. Miguel Antonio na may tatlong nasawi sa pagsabog na nangyari sa bahagi ng National Highway sa Barangay Sunrise Isabela city Basilan ala una diyes kanina. I

Idinetalye ng opisyal ang naganap na pagsabog sa harapan ng bahay ni Mayor Cherry Akbar kung saan ay napinsala rin ang isang Toyota Hilux Pickup na may plakang WTO 656, isang Hiace Van at isangn motorsiklo.

Ayon kay Antonio, isang granada ang inihagis sa convoy ni Isabela City Vice-Mayor Abdubaki Ajibon habang binabagtas nila ang National Road galing sa City Hall.

Tatlo sa mga escorts ni Ajibon ang kaagad na namatay samantalang maraming iba pa ang isinugod sa mga pagamutan makaraan ang pagsabog.

Kabilang sa mga sugatan ang nasabing ospital na ngayon ay ginagamot sa hindi binanggit na ospital.

Naghigpit na ng seguridad ang mga tauhan ng pulisya sa lugar habang inaalam pa nila kung sino o anung grupo ang nasa likod ng nasabing pagpapasabog.

Inaalam pa ng nga otoridad kung may kaugnayan rin sa pulitika ang nasabing insidente.

TAGS: Basilan, Explosion, Isabela City, Vice-mayor, Basilan, Explosion, Isabela City, Vice-mayor

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.