Ethics complaint ni Faeldon vs Senators Lacson at trillanes, ibinasura ng senado
Ibinasura ng Senate committee on ethics ang ethics complaint na isinampa ni dating Customs chief Nicanor Faeldon laban sa dalawang senador.
Sa pagdinig ng komite, hiniling ni Senate Minority Leader Franklin Drilon na ma-dismiss ang reklamo laban kina Senators Panfilo Lacson at Antonio Trillanes IV.
Agad naman inaprubahan ng committee members ang hiling ni Drilon.
Si Senator Lacson na miyembro rin ng komite at dumali sa pagdinig ay nag-inhibit sa proseso.
Ang reklamo ay isinampa ni Faeldon laban sa dalawang senador matapos na akusahan siya hinggil sa mga katiwalian sa BOC noong siya pa ang commissioner.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.