Nagpatupad ng shut down ang KFC sa daan-daang branches nito sa United Kingdom dahil sa kakapusan ng suplay ng manok.
Ayon sa abiso ng KFC, mahigit 700 sa 900 na branch nila sa UK ang sarado mula pa noong weekend, habang ang iba na nananatiling bukas ay maraming hindi maialok sa menu o ‘di kaya ay nag-ooperate lang ng maiksing oras.
Sinabi ng KFC na nagka-problema ang kanilang delivery supplier na DHL.
Kumuha na umano sila ng bagong delivery partner pero hirap pa itong mag-adjust lalo pa at 900 branches ng KFC ang kailangang mahatiran ng suplay sa buong UK.
Paliwanag ng KFC, ayaw nilang madismaya ang mga customer kaya pinili nilang isara ang maraming branch kaysa naman magbukas nang walang mai-oofer na fried chicken.
Umaasa ang KFC na mareresolba na ang delivery issue sa lalong madaling panahon.