LOOK: Biyahe ng MRT muling nagka-aberya, mga pasahero naglakad sa riles
Nakaranas na naman ng aberya sa biyahe ng Metro Rail Transit – 3 (MRT-3).
Alas 6:32 ng umaga, pinababa ang mga pasahero sa pagitan ng Ortigas at Shaw Blvd. stations.
Dahil dito, napilitan ang mga pasahero na maglakad sa riles.
Sa video na kuha ng isa sa mga pasahero ng tren na si Michael Ampat Ranque, sinabi nitong isang oras silang stranded sa loob ng tumirik na tren.
Madidinig pang nakikipagtalo ang ilang pasahero sa gwardya ng MRT.
Ayon kay Aly Narvaez, media relations officer ng MRT, electrical failure sa braking system ang dahilan ng aberya.
Anim na tren lang ng MRT ang gumagana sa kasagsagan ng rush hour ng Martes ng umaga.
Kalahati lamang ito ng ideal na 10 hanggang 12 tren na dapat ay bumibiyahe kapag rush hour.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.