Paglalakad sa oras ng trabaho naka-aalis ng stress
Pinatunayan ng isang bagong pag-aaral sa Canada na ang paglalakad ng ilang minute habang nasa trabaho ay makatutulong ng malaki para maiwasan ang ilang work-related bone injuries tulad ng muscoskeletal disorders.
Sa pag-aaral na pinangunahan ni Prof. Julie Cote ng Mc.Gill University sa Quebec, naglagay sila ng electrodes paramamonitor ng husto ang level of stress sa ilang bahagi ng katawan ng ilang empleyado na ginamit sa pag-aaral.
Inilagay ang nasabing mga electrodes sa kanilang lower back, balikat, braso, mga kamay at leeg na karaniwang dumaranas ng pamamanhid dahil sa matagal na pagkaka-upo habang nagta-trabaho sa mga opisina.
Lumilitaw sa evaluation ng Kinesiology Researchers sa Occupational Biometrics and Ergonomics Laboratory sa nasabing ospital na ang matagal na pagkaka-upo sa byahe man o sa trabaho ay nagre-resulta ng pagkaka-ipit sa blood flow at pressure sa partikular na bahagi ng katawan ng isang tao.
Kapag nagpatuloy ang ganitong kundisyon ay nagre-resulta ito sa ibat-ibang uri ng bone injuries.
Napatunayan sa nasabing pag-aaral na ang ilang minutong gap para makapag-lakad-lakad ay nakabubuti para mapanatili ang normal na blood flow sa katawan.
Kapag sinamahan pa ito ng pag-iinat ay mas nare-relax ang mga muscles at epektibo itong paraan para makaiwas ang katawan sa grabeng muscular stress.
Ipina-payo rin ng mga eksperto ang pagtayo kada 30-minutes na interval para hindi mamanhid ang daluyan ng dugo sa ating katawan.
Kung kakayanin naman sa mga opisina, ipinapapayo ni Prof. Cote ang paglalagay ng treadmill workstations para sa overall wellness ng mga empleyado.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.