Matapos ang mahigit 1-oras na aberya sa biyahe kahapon, MRT nakapag-operate ng normal ngayong umaga

Balik sa normal ang biyahe ng Metro Rail Transit – 3 (MRT-3) ngayong Martes ng umaga.

Ito ay matapos ang mahigit 1 oras na pagka-antala ng biyahe kahapon na nagdulot ng perwisyo sa maraming pasahero.

Ngayong umaga, nakapagbukas sa tamang oras ang MRT.

Anim na tren ng MRT ang unang napabiyahe sa pagsisimula ng biyahe.

Kahit naman gumagana ng maayos ang tren, marami pa rin sa mga pasahero ang mas piniling sumakay sa P2P buses.

Bago pa lamang mag alas 6:00 ng umaga ay mabilis nang napuno ang una at ikalawang bus ng P2P na magbababa ng pasahero Ortigas at Ayala.

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

Read more...