Governor Generoso, Davao Oriental, niyanig ng magnitude 3.9 na lindol
February 20, 2018 - 06:12 AM
Niyaning ang magnitude 3.9 na lindol ang Governor Generoso sa lalawigan ng Davao Oriental.
Naganap ang lindol alas 4:48 Martes ng umaga.
Ayon sa PHIVOLCS, naitala ang epicenter ng pagyanig sa 115 kilometers South sa bayan ng Governor Generoso.
May lalim na 135 kilometers ang lindol at tectonic ang origin.
Hindi naman inaasahang magdudulot ng pinsala o aftershocks ang nasabing lindol.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.