Arellano University, back-to-back champion sa NCAA women’s volleyball
Nilampaso ng Arellano University Lady Chiefs ang San Beda University Lady Red Spikers sa best of three finals ng NCAA women’s volleyball Season 93.
Dahil dito, nakuha ng Lady Chiefs ang back-to-back na championship sa nasabing kompetisyon.
Bagaman ito ang kanilang second consecutive crown, pangatlong beses naman na nilang nasungkit ang panalo sa loob ng apat na taon.
Ipinahayag naman ni Arellano coach Obet Javier ang labis niyang kaligayahan sa pagkapanalo nila dahil nangangahulugan ito na lalo aniyang gumaganda ang kanilang programa.
Nagwagi naman bilang finals MVP si Regine Arocha na malaki ang naiambag sa pagbabalik kampyonato ng Lady Chiefs.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.