Miyembro ng Abu Sayyaf, nasa 400 na lang; 11 bihag hawak pa ng grupo

By Kabie Aenlle February 20, 2018 - 03:45 AM

 

Dahil sa pagsuko ng kanilang mga kasamang natatakot mahuli at mapatay ng mga otoridad o nais nang magbagong-buhay, bumaba na lang sa 400 ang mga miyembro ng Abu Sayyaf Group.

Ayon kay Joint Task Force Sulu commander Brig. Gen. Cirilito Sobejana, batid nila ang magandang epekto ng programa ng gobyerno at ng Armed Forces of the Philippines (AFP) dahil sa dami ng mga sumusukong bandido.

Kabilang dito ang pagpapadala nila sa Sulu ng hindi bababa sa 10 batalyon na kinabibilangan ng mga special units at companies na sumabak din sa Marawi City at Zamboanga del Sur, para mas mapaigting pa ang operasyon ng militar laban sa mga bandido.

Ayon pa kay Sobejana, kulang pa ito dahil sa limang batalyon ng JTF Sulu ang ipinadala sa Marawi, isa pa lang ang nakakabalik.

Hindi naman aniya madaling tukuyin kung kailan nila tuluyang matutugis ang teroristang grupo, ngunit ang mahalaga ani Sobejana ay ginagawa nila ang lahat ng kanilang makakaya para ito ay maisakatuparan.

Samantala, sa ngayon ay may hawak pang 11 bihag ang bandidong grupo.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.