Pahayag ito ni Presidential Spokesman Harry Roque bilang tugon sa paratang ni maritime expert at University of the Philippines Institute for Maritime Affairs and Law of the Sea Professor Jay Batongbacal na nagmalabis ang Pilipinas sa pagbibigay ng pabor sa China para mapaayos ang relasyon ng dalawang bansa.
Iginiit pa ni Roque na pinangangalagaan ng Pilipinas ang national interest at sinisigurong ang kapakanan ng taong bayan ang nanaig sa pagsusulong ng magandang relasyon sa China.
Katunayan, sinabi ni Roque na malaya nang pumapalaot ngayon ang mga Pinoy na mangingisda sa Scarborough Shoal at mayroong kapayapaan sa rehiyon.
Bukod dito, sinabi nito na dumarami na rin ang turistang Chinese na bumibisita sa bansa maging ang mga mamumuhunan mula sa mainland China.
Pagtitiyak pa ni Roque na patuloy na isusulong ng Pilipinas ang sovereign rights ng bansa sa naturang lugar.
Matatandang hindi kinikilala ng China ang arbitral ruling ng United Nations noong July 2012 na walang basehan ang pag-angkin ng China sa 9-dash line sa kabuuan ng South China Sea.