DOH whistleblower kinasuhan ng libelo dahil sa Dengvaxia

Inquirer file photo

Kinauhan ng kasong libelo ang dating Department of Health (DOH) consultant na si Dr. Francisco Cruz.

Sa kanyang inihaing reklamo, sinabi ni Philippine Children’s Medical Center (PCMC) Executive Dir. Julius Lecciones na mapanira ang naging akusasyon ni Cruz kaugnay sa umano’y “mafia” sa loob ng DOH.

Sinabi rin ni Lecciones na hindi totoo na nagsabwatan ang ilang opisyal ng DOH para palusutin ang paggamit ng Dengvaxia vaccines.

Binanggit rin ng opisyal na malinaw ang motibo ni Cruz na layuning sirain lamang ang pangalan ng mga Health officials.

Kahit na humingi ng tawad sa publiko, sinabi ni Lecciones na hindi niya mapapatawad si Cruz sa kanyang mga naging akusasyon.

Nauna nang sinabi ni Cruz sa imbestigasyon ng Senado na ilang mga opisyal ng DOH na umano’y kabilang sa “mafia” ang nasa likod ng paggamit ng Dengvaxia para sa anti-dengue project ng pamahalaan.

Read more...