Malacañang sa UST: Kasuhan ang mga sangkot sa hazing
Kinatigan ng Malacañang ang University of Sto.Tomas (UST) sa pagpapatalsik sa walo law student na sangkot sa pagkamatay ng hazing victim na si Horacio “Atio” Castillo III.
Sa pulong balitaan sa Malacañang, sinabi ni Presidential Spokesman Harry Roque na tamang hakbang lamang ang ginawa ng UST.
Ayon kay Roque, ang pagpapatalsik sa walong law students ay patunay na hindi kinukunsiti ng pamantasan ang karahasan.
Gayunman, sinabi ni Roque na bagaman expelled na ang walong estudyante ay umpisa pa lamang ito sa mas mahabang paglalakbay patungo sa hustisya.
Paliwanag ni Roque, kailangan pa kasing harapin ng walong estudyante ang kasong kriminal dahil sa paglabag sa anti-hazing law.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.