Pagkakadawit ni SAP Bong Go sa frigate deal bunga ng fake news; Inquirer at Rappler hiniling na ipatawag sa senado

By Chona Yu, Ruel Perez February 19, 2018 - 12:47 PM

Bunga umano ng iresponsableng pagbabalita ang pagkakadawit kay Special Assistant to the President (SAP) Christopher Bong Go sa frigate deal ng Department of National Defense (DND).

Sa kaniyang opening statement sa pagharap sa senate hearing, sinabi ni Go na basta na lamang ibinalita ng pahayagang Inquirer at Rappler ang intriga nang hindi inaalam ang katotohanan.

Sinabi pa ni Go na dapat ipatawag ng senado sa susunod sa pagdinig ang mga mamahayag ng dalawang nabanggit na media entity dahil sa aniya’y pagpapakalat ng fake news lalo’t marami na ang nabibiktima sa pekeng balita.

Dagdag ni Go, mahirap sagutin ang bintang na wala naman siyang kinalaman.

Nakalulungkot ayon kay Go na dahil sa kontrobersiya, naantala na ang implementasyon ng proyekto.

Samantala sa nasabing hearing, iginiit ni Sen. Antonio Trillanes IV na hindi totally fake news ang pagkakadawit ng pangalan ni Go sa isyu.

Sa inilabas na audio visual presentation ni Trillanes, ipinakita nito ang kuneksyon ni Go na umano’y nakialam sa kontrata.

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

TAGS: bong go, Frigate Deal, Radyo Inquirer, senate hearing, bong go, Frigate Deal, Radyo Inquirer, senate hearing

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.