Naaresto na ang isa sa mga suspek sa pagpatay kay Cainta Police deputy chief Sr. Inspector Jimmy Senosin.
Ang suspek na si Ruben Paglinawan ay nadakip makaraang makatanggap ng reklamo ang mga tauhan ng National Capital Region Police Office (NCRPO) hinggil sa pag-iingay umano ng suspek.
Nang puntahan ng mga pulis nakuhanan siya ng patalim at doon din nalaman na siya ay suspek sa pagpatay kay Senosin.
Inamin naman ni Paglinawan na naroon siya sa lugar na pinangyarihan ng insidente na ikinasawi ng police official.
Aminado din si Paglinawan na nagpaputok siya noon ng baril, gayunman, hindi umano niya alam kung siya ang nakapatay kay Senosin dahil mayroon pa syang tatlong kasamahan na nagpaputok din noon ng baril.
Magugunitang si Senosin ay nasawi noong February 12 makaraang rumesponde sa tawag ng isang “concerned citizen” hinggil sa suspek na nakitang may dalang baril sa Lakas Bisig Floodway area sa Cainta.
Nang dumating si Senosin at kaniyang team sa lugar ay nanlaban aat pinaputukan sila ng mga dinatnang suspek.