Kabilang din sa tinanggihan ng pharmaceutical firm ang pagbibigay ng pinansyal na suporta para sa indemnification fund ng mga apektadong nabakunahan.
Ayon sa pahayag ng Sanofi, naninindigan silang walang problema sa kanilang produkto kaya kung ibabalik nila ang perang ibinayad para sa Dengvaxia ay lalabas na tila aamin silang hindi epektibo ang bakuna.
Maliban dito, sinabi ng Sanofi na wala pa namang malinaw na sirkumstansya sa ngayon para maging batayan ng refund.
Sinabi ng Sanofi Pasteur na handa naman silang makipag-usap sa DOH para matalakay kung paano sila makatutulong sa laban ng pamahalaan kontra dengue at upang maibalik ang kumpyansa ng publiko sa mga bakuna.