Sanofi nanindigang hindi ire-refund ang ibinayad ng DOH para sa Dengvaxia
Sa ikalawang pagkakataon tumanggo ang Sanofi Pasteur sa hiling ng Department of Health (DOH) na i-refund ng kumpanya ang halagang naibayad ng kagawaran para sa mga biniling Dengvaxia vaccine.
Kabilang din sa tinanggihan ng pharmaceutical firm ang pagbibigay ng pinansyal na suporta para sa indemnification fund ng mga apektadong nabakunahan.
Ayon sa pahayag ng Sanofi, naninindigan silang walang problema sa kanilang produkto kaya kung ibabalik nila ang perang ibinayad para sa Dengvaxia ay lalabas na tila aamin silang hindi epektibo ang bakuna.
Maliban dito, sinabi ng Sanofi na wala pa namang malinaw na sirkumstansya sa ngayon para maging batayan ng refund.
Sinabi ng Sanofi Pasteur na handa naman silang makipag-usap sa DOH para matalakay kung paano sila makatutulong sa laban ng pamahalaan kontra dengue at upang maibalik ang kumpyansa ng publiko sa mga bakuna.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.