Nagkapilipit na kable, dahilan ng power failure sa MRT

Ang nagkapilipit na kable ang dahilan mahigit isang oras na pagka-delay ng pagsisimula ng biyahe ng Metro Rail Transit-3 (MRT-3) Lunes ng umaga.

Sa biso ng MRT, nagka-salabat ang mga overhead catenary system o OCS wires ng MRT partikular sa pagitan ng North Avenue at GMA Kamuning stations.

Kinailangan itong ayusin muna ng mga tauhan ng MRT bago maumpisahan ang pagbiyahe ng mga tren.

Dahil sa nasabing aberya, sa halip na pasado alas 5:00 ng umaga ang unang biyahe ng mga tren ay alas 6:50 na ng umaga naumpisahan ang pag-deploy ng mga tren.

Ayon sa pamunuan ng MRT, pasado alas 8:00 ng umaga, pitong tren lang ng MRT ang naka-deploy o operational.

 

 

 

 

 

Read more...