Hearing sa Frigate deal sa senado, pinatututukan ng Malakanyang sa publiko

By Chona Yu February 19, 2018 - 07:56 AM

Inquirer file photo

Hinihimok ng Malakanyang ang publiko na tutukan ang gagawing pagdinig ng senado ngayong araw sa kontrobersiya sa Frigate deal kung saan nadadawit si Special Assistant to the President Bong Go.

Ayon kay Presidential Communication Office Sec. Martin Andanar ito ay para matunghayan ng taong bayan ang katotohanan hinggil sa kontrobersiya.

Iginiit ni Andanar na walang basehan ang alegasyon na ipinupukol kay Go dahil noong nakaraang administrasyon pa nalagdaan ang kasunduan.

Sa pamamagitan aniya ng ikakasang imbestigasyon sa senado ngayong araw na ito ay masasaksihan ng publiko na inosente at walang kinalaman si Go sa akusasyong nangialam ito sa multi-bilyong pisong Frigate project para sa Philippine Navy.

Si Go ay sasamahan sa senado ng ilang gabinete ng administrasyon.

Dahil dito, kanselado muna ang regular press briefing nagayong araw ni Presidential Spokesman Harry Roque dahil sasamahan niya si Go sa senado.

Bukod kay Roque kasama rin ni Go si Andanar, Justice Secretary Vitaliano Aguirre at iba pang cabinet members.

 

 

 

 

 

TAGS: bong go, Frigate Deal, Harry Roque, Martin Andanar, philippine navy, senate investigation, bong go, Frigate Deal, Harry Roque, Martin Andanar, philippine navy, senate investigation

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.