Asa Miller, nasa 70th place sa Alpine skiing event ng Winter Olympics
Lumaban na sa 2018 Pyeongchang Winter Olympics ang flag bearer at huling pambato ng Pilipinas na si Asa Miller.
Nagtapos sa ika-70 pwesto si Miller sa Alpine skiing event Linggo ng umaga.
Sa kanyang unang pagtakbo ay naitala niya ang running time na 1:27.52 na nagluklok sa kanya sa ika-81 pwesto.
Gayunman, lumusong ng 11 pwesto si Miller matapos ang kanyang second run na kanyang nakumpleto sa running time na 1:22.43.
Dahil dito, naitala niya ang combined time na 2:49.95 na ika-70 sa 110 na lumaban sa dibisyon.
Si Marcel Hirscher ng Austria ang nagkamit ng gintong medalya matapos itala ang running time na 2:18.04.
Ang 17-anyos na si Miller ay tubong Oregon.
Itinuturing niyang ‘most memorable achievement’ ang pagkakabilang sa Winter Olympics.
Nauna nang lumaban para sa men’s skating event ng palaro ang isa pang pambato ng Pilipinas na si Michael Martinez.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.