Panibagong protesta vs jeepney modernization program, isasagawa ng PISTON ngayong araw

By Rhommel Balasbas February 19, 2018 - 04:00 AM

 

Muling magsasagawa ng panibagong protesta laban sa jeepney modernization program ng gobyerno ang transport group na Pinagkaisang Samahan ng mga Tsuper at Operator Nationwide (PISTON) ngayong araw.

Ayon kay Piston President George San Mateo, ang ikinasang pagkilos ng grupo ay hindi isang transport strike kundi isa lamang protest rally.

Naniniwala si San Mateo na ang modernization program ng administrasyon ay paraan lamang upang kumita ang gobyerno.

Iginiit ng lider ng transport group na pinahihirapan ng gobyerno ang mga tsuper at operator ng jeep habang hindi naman nito maisaayos ang serbisyo ng Metro Rail Transit-3 (MRT 3).

Magsisimula ang protesta ng grupo alas-12 ng tanghali mula Welcome Rotonda sa Quezon City at magmamartsa ang mga ito patungong Mendiola sa Maynila

Magsasagawa rin ng kilos-protesta ang mga grupo ng Piston sa Bicol, Cagayan Valley, Baguio at Cagayan de Oro ayon kay San Mateo.

Samantala, bagaman nilinaw ng Piston na isa lamang protest rally ang aktibidad mamaya, nakahanda pa rin ang lokal na pamahalaan ng Taguig para sa posibleng maapektuhang mga commuters.

Magbibigay ng libreng sakay ang pamahalaang lokal mula alas-6 hanggang alas-10 ng umaga at alas-4 ng hapon hanggang alas-8 ng gabi sa mga sumusunod na ruta:

– Pasig – Bagumbayan (vice versa)
– Pasig – Tipas (vice versa)
– C5 – Market Market (vice versa)

Magdedeploy din ang Metropolitan Manila Development Authority ng mga sasakyan para isakay ng libre ang mga commuters sa FTI – Guadalupe (vice versa) route.

Lahat ng sasakyang magsasakay ng libre ay may nakalagay na signages na ‘Libreng Sakay’.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.