60 pang mga estudyante na kalahok sa DAVRAA meet sa Davao city, nanakit ang tiyan
Matapos magreklamo ng pananakit ng tiyan ang mga estudyanteng atleta mula sa Mati City noong Sabado, ang mga student-athletes naman mula sa Tagum City ang nakaranas ng pananakit ng tiyan Linggo ng gabi.
Hindi bababa sa 60 mga atleta na namamalagi sa San Roque Elementary School sa Davao City ang nagreklamo ng pananakit ng tiyan at pagsusuka at diarrhea.
Ang mga estudyante ay namamalagi sa naturang paaralan dahil sa ginaganap na Davao Region Athletic Association o DAVRAA Meet 2018 sa lungsod.
Agad namang rumesponde ang mga kawani ng Davao City health office at isinalang sa pagsusuri ang mga bata.
Sa inisyal na pag-iimbestiga, hinihinalang biktima ng food poisoning ang mga estudyanteng atleta.
Inaalam na ng mga kinauukulan kung ano ang posibleng nakain ng mga bata na dahilan ng pananakit ng tiyan ng mga ito.
Matatandaang noong Sabado, nasa 38 estudyante at guro mula Mati Davao City ang nadala sa ospital matapos makaranas ng kahalintulad na sintomas na dinaranas ngayon ng mga mag-aaral mula sa Tagum City.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.