Humarap na sa kanyang mga tagasunod ang self-proclaimed ‘appointed son of God’ na si Apollo Quiboloy.
Nitong Linggo, pinangunahan ni Quiboloy ang pagsasama-sama ng mga miyembro ng kanyang samahan sa Antipolo City.
Ayon kay Israelito Torion, abogado ni Quiboloy, patunay lamang ito na hindi nadetine o nakulong si Quiboloy sa Hawaii.
Itinanggi rin ni Torion na nakasuhan ang pastor sa Amerika at nadeport pabalik sa Pilipinas.
Giit nito, walang anumang kasong kinaharap ang kanyang kliyente sa Hawaii.
Matatandaang napaulat na pinigil ang private jet ni Quiboloy nang paalis na ito ng Hawaii noong nakaraan linggo.
Ito ay matapos makita sa eroplano ni Quiboloy ang nasa $350,000 na nasa loob ng isang maleta na isiniksik sa mga medyas.
Bukod dito, natagpuan rin ang ilang pyesa ng baril sa eroplano.
Inako naman ng tagasunod ni Quiboloy na si Felina Salinas na noo’y kasama nito sa byahe ang pera.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.