Ito ay matapos ang pananakit kamakailan ng isang babaeng backrider sa isang traffic constable na dalawang ulit nilang tiniketan dahil sa hindi pagsusuot ng helmet.
Matatandaang nag-viral ang naturang video ng pananakit ng babae na nagdahilan pa sa mga constable na pinaglagyan niya ng ulam ang helmet kaya hindi niya ito suot.
Sa isang panayam, sinabi ni MMDA operations supervisor Bong Nebrija, pinayuhan na sila ng kanilang legal affairs division na maaring ipairal ang ‘citizens arrest’ sa isang pribadong indibidwal kung mananakit ang mga ito ng traffic constable.
Gayunman, kanilang pag-aaralan muna aniya ang naturang hakbang dahil may posibilidad na abusuhin ng mga enforcer ang proseso.
Dagdag ni Nebrija, plano nilang humiling ng karagdagang impormasyon kung paano ang mga maaari at hindi maaring gawin sa pagpapatupad ng ‘citizens arrest’ upang hindi sila mabaligtad ng mga traffic violators kalaunan.