‘Citizens arrest’ pinag-aaralang ipatupad ng MMDA sa mga mananakit na motorista

By Jay Dones February 18, 2018 - 09:04 PM

 

Pinag-iisipan na ng Metro Manila Development Authority ang posibilidad na ipairal ng kanilang mga traffic constable ang ‘citizens arrest’ sa oras na may mananakit na sibilyan na kanilang sinisita sa traffic violation.

Ito ay matapos ang pananakit kamakailan ng isang babaeng backrider sa isang traffic constable na dalawang ulit nilang tiniketan dahil sa hindi pagsusuot ng helmet.

Matatandaang nag-viral ang naturang video ng pananakit ng babae na nagdahilan pa sa mga constable na pinaglagyan niya ng ulam ang helmet kaya hindi niya ito suot.

Sa isang panayam, sinabi ni MMDA operations supervisor Bong Nebrija, pinayuhan na sila ng kanilang legal affairs division na maaring ipairal ang ‘citizens arrest’ sa isang pribadong indibidwal kung mananakit ang mga ito ng traffic constable.

Gayunman, kanilang pag-aaralan muna aniya ang naturang hakbang dahil may posibilidad na abusuhin ng mga enforcer ang proseso.

Dagdag ni Nebrija, plano nilang humiling ng karagdagang impormasyon kung paano ang mga maaari at hindi maaring gawin sa pagpapatupad ng ‘citizens arrest’ upang hindi sila mabaligtad ng mga traffic violators kalaunan.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.