66 patay sa bumagsak na eroplano sa Iran

By Jay Dones February 18, 2018 - 05:27 PM

 

Animnapu’t-anim katao ang nasawi makaraang bumagsak ang kanilang sinasakyang commercial plane sa Iran.

Kinumpirma ng tagapagsalita ng Aseman Airlines, na walang nakaligtas sa mga lulan ng kanilang ATR-72 twin engine turboprop plane na bumagsak sa Mount Dena sa southern Iran, malapit sa bayan ng Semiron sa Isfahan province.

Galing ang eroplano sa Tehran at bumibyahe patungong Yasuj nang maganap ang trahedya.

Kabilang sa nasawi ang 60 pasahero, kabilang na ang isang sanggol at anim na crew ng eroplano.

Diumano, tinangka pang mag-emergency landing ng piloto ngunit sinawimpalad itong bumagsak sa gilid ng bundok.

Agad nang naglunsad ng imbestigasyon ang mga otoridad upang matukoy ang dahilan ng trahedya.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.