Walong law students na sangkot sa Atio hazing, ‘expelled’ na sa UST
In-expel na ng University of Santo Tomas ang walong Civil Law students na sangkot umano sa pagkamatay ng UST Law freshman na si Horacio ‘Atio’ Castillo III.
Sa ulat ng official publication ng UST na The Varsitarian, inilabas ang pahayag ng university administration.
Natagpuan ng UST committee sa isinagawang imbestigasyon na guilty ang mga estudyante sa paglabag sa Code of Conduct and Disipline.
Hindi naman pinangalanan ang walong law students sa naturang report.
Samantala, muling iginiit ng naturang unibersidad ang pakikiisa na alamin ang katotohanan at mabigyan ng karampatang parusa ang mga mapapatunayang may sala sa naturang kaso.
Dagdag pa nito, kaisa ng pamilya Castillo ang UST para sa patuloy na pagdarasal at pagsusulong sa tuluyang pagkamit ng hustisya kay Atio.
Namatay si Atio matapos ang isinagawang initiation rites sa pagsali nito sa Aegis Juris Fraternity
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.