Walong law students na umano’y sangkot sa Atio hazing case, nakatakdang i-kick out ng UST

By Angellic Jordan February 18, 2018 - 02:53 PM

Inanunsiyo ng University of Santo Tomas (UST) ang pag-kick out sa walong Civil Law students na umano’y sangkot sa pagpatay sa UST Law freshman na si Horacio ‘Atio’ Castillo III.

Sa ulat ng official publication ng UST na The Varsitarian, inilabas ang pahayag ng university administration.

Natagpuan ng UST committee sa isinagawang imbestigasyon na guilty ang mga estudyante sa paglabag sa Code of Conduct and Disipline.

Hindi naman pinangalanan ang walong law students sa naturang report.

Samantala, muling iginiit ng naturang unibersidad ang pakikiisa na alamin ang katotohanan at mabigyan ng karampatang parusa ang mga mapapatunayang may sala sa naturang kaso.

Dagdag pa nito, kaisa ng pamilya Castillo ang UST para sa patuloy na pagdarasal at pagsusulong sa tuluyang pagkamit ng hustisya kay Atio.

Namatay si Atio matapos ang isinagawang initiation rites sa pagsali nito sa Aegis Juris Fraternity.

TAGS: aegis juris fraternity, Horacio ‘Atio’ Castillo III, The Varsitarian, UST, aegis juris fraternity, Horacio ‘Atio’ Castillo III, The Varsitarian, UST

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.