SAP Bong Go, walang dapat itago kaugnay sa PH Navy frigate deal – Roque

Inquirer file photo

“Expect Secretary Go to tell all”

Ito ang inihayag ni Presidential Spokesperson Harry Roque sa pagdalo ni Special Assistant to the President Christopher “Bong” Go sa isasagawang imbestigasyon ng Senado sa maanomalyang pagbili ng P15.7 bilyong Philippine Navy frigate deal.

Sa kaniyang pahayag, hiling aniya ni Go ang bukas at transparent na pagtalakay sa pagdinig ng Senado.

Wala aniyang kailangang itago at tapat na sasagot si Go sa harap ng publiko.

Dagdag pa nito, lalabas na ang buong katotohanan na nadamay lang si Go sa kontrobersya o pekeng balita na iniuugnay sa administrasyong Duterte.

Muli pang iginiit ni Roque na walang kinalaman si Go sa frigate acquisition project ng Department of National Defense (DND) dahil natapos na aniya ito noong panahon pa ng Aquino administration.

Matatandaang napaulat na nangialam umano ang top aide ni Pangulong Rodrigo Duterte sa naturang kontrata.

Nakatakdang isagawa ang pagdinig ng Senado sa naturang usapin bukas, araw ng Lunes.

Read more...