2 patay sa engkwentro ng militar at NPA sa Zamboanga del Norte

By Angellic Jordan February 18, 2018 - 01:08 PM

Inquirer file photo

Patay ang isang sundalo at isang hinihinalang miyembro ng New People’s Army (NPA) sa sumiklab na engkwentro sa pagitan ng tropa ng gobyerno at rebeldeng grupo sa bayan ng Sergio Osmeña sa Zamboanga del Norte, araw ng Sabado.

Ayon kay Philippine Army 53rd Infantry Battalion commander Lt. Col. Marlowe Patria, nagsasagawa ng combat operation ang mga sundalo sa Barangay San Isidro nang makasagupa ang mga komunistang rebelde.

Ang isinagawang operasyon na pinangunahan ni 1Lt. Abner Pilnado ay bunsod aniya ng mga napaulat na pang-aabuso ng mga rebelde sa mga residente ng naturang barangay.

Sa 15-minutong sagupaan, sinabi ng opisyal na nasawi si Sgt. Rolly Barimbao at isang hindi pa nakikilalang rebelde.

Sa ngayon, patuloy pa rin aniya ang pursuit operations sa lugar.

TAGS: barangay san isidro, NPA, Philippine Army, Zamboanga del Norte., barangay san isidro, NPA, Philippine Army, Zamboanga del Norte.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.