Nakatakdang kasuhan ng Metro Manila Development Authority (MMDA) ang babaeng motoristang nakipagtalo sa traffic enforcer nang sitahin dahil sa hindi pagsusuot ng helmet at ginamit pa itong lalagyan ng ulam.
Kamakailan, matatandaang nag-viral ang pagwawala, pagmumura at paghahampas ng babaeng angkas ng motorsiklo sa mga MMDA constable sa bahagi ng Visayas Avenue sa Quezon City.
Kahit na humingi ng tawad, sinabi ni MMDA Assistant General Manager Jojo Garcia na itutuloy pa rin ang kaso laban sa babaeng bakcrider para ipaalam sa publiko na seryoso ang kanilang kampanya.
Inaasahang isasampa ng ahensiya ang reklamo bukas, araw ng Lunes o Martes.
Bunsod nito, hinikayat ni Garcia ang publiko na huwag makipagtalo sa mga enforcer at sa halip ay dumulog sa MMDA head office.