LOOK: Ilang domestic flights sa NAIA, kinansela

Photo credit: MIAA twitter

Kanselado ang ilang domestic flights sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA), ngayong araw ng Linggo, February 18, 2018.

Sa abiso ng Manila International Airport Authority (MIAA), kinansela ang dalawang flights ng PAL Express na 2P 2014 biyaheng Manila – Tuguegarao at 2P 2015 biyaheng Tuguegarao – Manila.

Ito ay bunsod ng nararanasang sama ng panahon sa lugar.

Payo naman sa mga apektadong pasahero, makipag-ugnayan sa airline company para sa rebooking o refund ng kanilang pamasahe.

Read more...