37 student athletes, nabiktima ng hinihinalang food poisoning sa Davao Oriental
Aabot sa 37 student athletes ang isinugod sa ospital matapos makitaan ng simtomas ng food poisoning sa Mati, Davao Oriental, Sabado ng gabi.
Kwento ng Baseball player na si Adelio del Monte III, nakaranas siya ng pananakit ng tiyan at pagdudumi matapos kumain ng pritong isda.
Binigyan aniya siya ng gamot sa clinic ngunit hindi pa rin nawala ang pananakit kung kaya’t dinala na ito sa Southern Philippines Medical Center.
Samantala, corned beef naman at pancit ang hinihinalang sanhi ng pagkalason sa ilan pang biktima.
Tiniyak naman ng mga opisyal ng Davao City sa publiko na susuportahan ang mga pangangailangan at medical expenses ng mga biktima.
Ayon naman kay assistant city administrator for operations Atty. Larence Bantiding, patuloy ang isinasagawang imbestigasyon sa naturang insidente.
Ang mga biktima ay kabilang sa 432 delegado ng Davao Regional Athletic Association (DAVRAA) meet na aarangkada mula ngayong araw, February 18 hanggang February 23, 2018.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.