Nakabalik na ng Pilipinas ang panibagong batch ng overseas Filipino workers (OFW) mula sa Kuwait, Linggo ng umaga.
Dumating ang 117 OFWs na lulan ng Philippine Airlines PR-669 kaninang 6:33 ng umaga.
Sumalubong sa mga OFW ang mga opisyal ng Overseas Workers Welfare Administration (OWWA).
Pinagkalooban ng OWWA ang bawat OFW ng P5,000 cash assistance at karagdagang P5,000 cash assistance mula sa Department of Foreign Affairs (DFA).
Ayon kay OWWA deputy administrator Brigido Dulay, bibigyan ng hotel accommodation ang mga OFW hanggang makauwi sa kanilang probinsya.
Nakahanda rin aniya ang OWWA na magbigay ng livelihood at educational assistance para sa mga OFW na planong magtayo ng negosyo o magpatuloy ng kanilang pag-aaral.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.