13 patay, 16 sugatan matapos bumagsak ang isang rescue helicopter sa Mexico
Aabot sa 13 katao ang patay habang 16 naman ang sugatan matapos bumagsak ang isang military helicopter habang bumababa sa bahagi ng bakanteng lote sa Santiago Jamiltepec, Mexico.
Lumipad ang Blackhawk helicopter para tulungan sana ang mga apektadong residente ng tumamang magnitude 7.2 na lindol sa lugar.
Ayon sa Defense Department, nawalan ng kontrol ang piloto ng helicopter habang bumababa sa lugar kung kaya’t nadamay ang grupo ng mga residente.
Sa pahayag ng prosecutor’s office ng Oaxana, limang babae, apat na lalaki at tatlong bata ang nasawi sa crash site at kalaunan ay namatay din ang isa pang residente na itinakbo sa ospital.
Samantala, ligtas naman ang mga opisyal na sakay ng naturang helicopter kabilang sina Interior Secretary Alfonso Navarrete at Oaxaca Governor Alejandro Murat.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.