Ombudsman may kapangyarihan na buksan ang bank accounts ni Duterte – Palasyo
Iginiit ng Palasyo ng Malakanyang na may kapangyarihan ang Ombudsman na buksan ang bank accounts ni Pangulong Rodrigo Duterte kahit walang pahintuloy ng Anti-Money Laundering Council (AMLC).
Ito ang ipinahayag ni Presidential Spokesperson Harry Roque matapos ang alegasyon ni Senator Antonio Trillanes IV na ang dahilan ng pagbasura ng imbestigasyon ng Ombudsman sa umano’y tagong yaman ng pangulo ay dahil sa hindi pakikipagtulungan ng AMLC.
Iginiit ni Roque na may kapangyarihan ang Ombudsman na magbukas ng bank accounts tulad anya ng ginawa nito sa kaso ni dating Chief Justice Renato Corona.
Ayon sa opisyal, kung gugustuhin lamang ng Ombudsman na buksan ang bank accounts ni Duterte ay ginawa na ito ng ahensya.
Hinimok naman ni Roque si Trillanes at ang mga kritiko na huwag nang buhayin ang isyu ukol sa tagong yaman ng president dahil matagal na ito anyang patay.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.