Anti-discrimination ordinance aprubado na sa Cavite

Inaprubahan na ng Sangguniang Panlalawigan ng Cavite ang ordinansang mangangalaga sa mga miyembro ng lesbians, gays, bisexuals, and transgenders (LGBT) community mula sa diskriminasyon.

Sa ilalim ng ordinansang tinatawag na ‘Upholding and Protecting the Rights of Lesbian, Gay, Bisexual, Transgender, Queer and Every Citizen Regardless of their Sexual Orientation and Gender Identity or Expression in the Province of Cavite,’ nakasaad na layunin nitong protektahan mga LGBT mula sa lahat ng uri ng diskriminasyon – sa trabaho, edukasyon, serbisyo, at iba pa.

Sina Cavite Vice Governor at SP Presiding Officer Jolo Revilla at Board Member Kerby Salazar ang mga pangunahing sponsor para sa naturang ordinansa at ang iba pang mga board member ang co-sponsors.

Batay sa pag-aaral, ang Cavite ang mayroong pinakamalaking populasyon ng mga LGBT sa Luzon, dahilan na rin sa pagiging pinaka-maraming populasyong probinsya sa rehiyon. Katunayan ay mayroong 400,000 LGBT sa Cavite mula sa halos 4.3 milyong populasyon sa lalawigan.

Sa ilalim ng ordinansa, ang sinumang mapapatunayang lalabag sa anti-discrimination ordinance ay papatawan ng multa at kulong, depende sa magiging desisyon ng korte.

Read more...