Sanhi ng pagkalapnos ng noo ng ilang mga deboto sa Caloocan Cathedral, natukoy na
Natukoy na ang sanhi ng pagkalapnos ng noo ng ilang mga deboto noong Ash Wednesday sa San Roque Cathedral sa Caloocan.
Sa isang pahayag, sinabi ni Caloocan Bishop Pablo Virgilio David na ang mataas na lebel ng ‘acidity’ na nasa halos PH 14 ang dahilan ng serye ng insidente.
Ito ay bunga ng ‘overburning’ o labis na pagkasunog sa mga palaspas.
May kapareho anya itong insidente sa Ireland at tinatawag ng mga eksperto na ‘overcooked charcoal’ na magbubunga ng ‘caustic ashes’ na mayroong mataas na acidity lalo na kung maihahalo sa tubig.
Dahil sa dami anya ng mga palaspas na sinunog at ang patuloy na pagdadagdag ng mga palaspas ang naging sanhi ng pagiging ‘overcooked’ nito.
Anya, hindi lahat ay naapektuhan dahil ang ‘liquid part’ lamang na naging ‘acidic’ ang dahilan ng pagkalapnos ng noo ng ilang deboto habang ang ilan ay ‘moist ashes’ lamang ang natanggap at nagkaroon lamang ng minor rashes at nawala rin ng mahugasan.
Ang resulta na ito ng isinagawang laboratory test ay dahilan upang hindi na ikonsidera ang anggulo ng posibleng pananabotahe sa insidente matapos na ring ‘i-review’ ang CCTV footages.
Iginiit ni Bishop David na mas mahalagang nabigyan nila ng ‘proper medication’ ang mga naapektuhan ng insidente.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.